![]()
Idineklara ng Statista ang DigiPlus bilang Top Growth Champion ngayong 2026.
Ang DigiPlus ay ang operator ng BingoPlus, ArenaPlus at GameZone.
Nakamit ng DigiPlus ang compound annual growth rate na 199.29 percent mula 2021 hanggang 2024.
Ayon kay DigiPlus Chairman Eusebio Tanco, ang pagkilalang ito at patunay ng kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga players, partners at community.
Ito ay sa gitna ng kanilang pagsisikap na mula sa pagsisimula ng digital entertainment sa Pilipinas ay sila ay maging market leader na committed sa pagiging responsable at may long-term growth.
Sinabi pa ni Tanco na ang kanilang tagumpay ay nakabatay sa kanilang paniniwala na anumang innovation o pagbabago ay dapat responsableng ipinapatupad.
