dzme1530.ph

MAHIGIT PISONG DAGDAG SA KADA LITRO NG GASOLINA, POSIBLENG IPATUPAD SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Posibleng madagdagan ang presyo ng gasolina ng 1.40 hanggang 1.60 pesos kada litro sa susunod na linggo. 

 

Ito ay batay sa pagtaya ni Jetti Petroleum President Leo Bellas bunsod pa rin ng geopolitical tensions. 

 

Idinagdag ni Bellas na posible namang 50 hanggang 70 centavos kada litro ang iangat sa presyo ng diesel. 

 

Ang naturang halaga ay mataas kumpara sa pagtaya ng Department of Energy.

 

Sa pahayag ng DOE , batay sa apat na araw na trade monitoring, posibleng tumaas ng 95 centavos ang bawat litro ng gasolina; 10 centavos sa kada litro ng diesel at 25 centavos sa bawat litro ng kerosene. 

 

Subalit hindi pa kasama rito ang premium operating costs na posibleng umabot sa 40 hanggang 50 centavos per liter. | via Dang Garcia

About The Author