![]()
NANINDIGAN si Senador Erwin Tulfo sa kanilang resolution na kumokondena sa mga batikos ng Chinese Embassy sa mga pahayag ng mga opisyal ng Pilipinas para sa laban sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Tulfo na karapatan ng Senado na maglabas ng resolusyon at hindi nila kayang pigilan ang mga senador sa kanilang mga aksyon.
Kasabay nito, kinontra ng senador ang mga nagsasabi na walang karapatan si Philippine Coast Guard Spokesman Commodore Jay Tarriela na magsalita kaugnay sa isyu.
Sinabi ni Tulfo na bukod sa may right to freedom of speech at freedom of expression si Tarriela, isa rin siya sa mga nagtatanggol sa teritoryo ng bansa.
