dzme1530.ph

JTI PHILIPPINES, UMAPELA SA HOUSE COMMITTEE

Loading

Personal na umapila ang tobacco firm JTI Philippines sa hearing ng House Committee on Ways and Means, na mahipit na ipatupad ang Anti-Agricultural Economic Sabotage (AAES) Law partikular sa illegal tobacco cases. 

 

Ayon kay Shaiful Mahpar, Director for Corporate Affairs and Communication ng JTI, masyadong mahina ang conviction sa mga smuggler sa ilalim ng batas na ito. 

 

Sa dami ng large-scale smuggling ng agricultural products kabilang na ang tabako, wala silang nakikitang napo-prosecute. 

 

Ayon sa AAES Law, P10-M worth of smuggled agri product ang threshold para ma-classified bilang economic sabotage at non-bailable. 

 

Pero sa mismong pahayag ng DILG, nag shift na umano mula sa traditional smuggling, naging domestic illegal cigarette manufacturing na ngayon. 

 

Nagbabala ang JTI na kung hindi masusugpo ang paglaganap ng illicit tobacco, mababaliwala ang pinaghirapan ng gobyerno na mapababa ang health risk partikular sa mga kabataan, dahil sa paglaganap ng mura subalit iligal na sigarilyo.

About The Author