dzme1530.ph

OVERLOADING, ISA SA DAHILAN NG PAGLUBOG NG MV TRISHA KERSTIN 3

Loading

Posibleng overloading ang isa sa dahilan ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 sa Basilan, noong January 25.

 

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, lumilitaw ito sa initial findings ng Maritime Industry Authority at ng Philippine Coast Guard.

 

Ipinaliwanag ni Lopez na ang overloading o overcapacity ay tumutukoy sa pinagsamang timbang ng mga pasahero at mga kargamento. 

 

Ilan din sa iniimbestigahan na sanhi ng insidente ang poor seamanship at safety violations. 

 

Sa pinakahuling datos ng pcg, umakyat na sa 52 ang nasawi sa insidente at naitala sa 316 ang mga survivors.

About The Author