![]()
Sa kabila ng mga usapin sa korupsiyon at tensyon sa West Philippine Sea, pag-ibig muna ang sentro ng usapan ngayong papalapit ang Araw ng mga Puso.
Dahil dito ramdam na sa Dangwa Market sa Maynila ang pagtaas ng presyo ng mga bulaklak ilang araw bago ang Valentine’s Day.
Umaabot na sa humigit-kumulang 1,350 pesos ang dalawang dosenang extra large na rosas.
Ang bundle ng sunflower na may sampung piraso ay naglalaro sa 300 hanggang 500 pesos, habang ang tulips at Ecuadorian roses ay nasa 150 pesos kada piraso.
Nasa 250 pesos kada kilo ang baby’s breath at 350 pesos naman kada bundle ang (Gypsophila) at camomile.
May mabibili ring novelty bouquet na may kasamang gamit tulad ng suklay, salamin at portable fan na nagkakahalaga ng 450 hanggang 600 pesos.
Ayon sa mga nagtitinda, posible pang tumaas ang presyo habang papalapit ang mismong araw ng Valentine’s Day, kasabay ng inaasahang pagbubukas ng bagong flower hub sa Dangwa sa pangunguna ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
