![]()
Isinailalim na sa state of calamity ang Surigao del Sur dahil sa pananalasa ng Bagyong Basyang.
Sa resolution 762-26, iniulat ng provincial board na 52.44 percent ng populasyon ng lalawigan ang direktang naapektuhan ng bagyo.
Dahil din sa landslides at malawakang pagbaha, naiulat na maraming kalsada sa mga munisipalidad ng Cantilan, Madrid, Lanuza, Cortes, Tandag City, Tago, San Miguel at Bayabas ang isinara.
Binanggit din sa resolution ang pagkamatay ng isang 10 taong gulang na bata dahil sa landslide sa munisipalidad ng Cortes at isang 53 years old na babae sa baha sa bayan ng Carmen.
Kabuuang P1.4 billion ang naitalang halaga ng pinsala sa bagyo.
