![]()
Isang vintage bomb ang nadiskubre kaninang umaga sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.
Nakita ang bomba sa building ng Institute of Chemistry Teaching.
Dahil dito, sinuspinde ang morning classes habang ang mga klase na magsisimula ngayong tanghali ay inaasahang magpapatuloy.
Isinarado rin pansamantala ang kalsada sa pagitan ng Institute of Chemistry Teaching Building at ng Research Building.
