![]()
Magsasagawa ng road show o public consultation ang Office of the Speaker sa itinutulak na anti-political dynasty measures.
Si House Speaker Faustino Bojie Dy III at House Majority Floor Leader Sandro Marcos ang mga pangunahing author ng anti-political dynasty bill.
Ang first leg ng Luzon public consultation ay sa Carmona, Cavite na itinakda sa February 12, 2026 alas nueve hanggang alas dose ng tanghali.
Plano rin ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na dumayo sa Visayas na tinatarget ang Cebu, at sa Cagayan de Oro sa Mindanao para pulsuhan ang publiko sa masalimuot na isyu ng political dynasty.
Umabot sa 21 ang bilang ng anti-dynasty bills ang nai-refer sa Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.
