dzme1530.ph

MAS MURANG PRESYO NG GALUNGGONG, INAASAHAN SA MARSO

Loading

Inaasahang bababa ang presyo ng galunggong sa mga palengke sa buong bansa simula sa Marso.

 

Ayon sa Association of Fresh Fish Traders of the Philippines Inc., posibleng mangalahati o mas mababa pa, ang presyo ng galunggong na pumalo sa mahigit 400 per kilo sa ilang palengke, simula sa susunod na buwan.

 

Sinabi ni Association President Jonjon Santos na kasunod ito ng pagtatapos ng closed fishing season ng gobyerno na ipinatutupad taon-taon upang paramihin ang populasyon ng mga isda.

 

Aniya, karaniwan, kapag Marso, Abril, at Mayo, ang average na presyo ng galunggong sa wholesale market ay 60 hanggang 80 pesos per kilo, kaya sa mga palengke ay mabibili ito ng 150 hanggang 200 pesos kada kilo.

About The Author