![]()
Ibinunyag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na dalawang pulitiko sa Northern Luzon ang iniimbestigahan nila kaugnay sa pagkakasangkot sa mga iligal na pagawaan ng sigarilyo.
Tumanggi naman ang kalihim na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga anya’y Kongresista sa Luzon.
Sinabi ni Remulla na batay sa kanilang impormasyon ang dalawa ay masterminds at financiers ng ni-raid na warehouse sa Mexico, Pampanga.
Kontrolado anya ng dalawang kongresista ng buong ecosystem ng illegal tobacco.
Naniniwala ang kalihim na lumakas ang illegal manufacturing ng sigarilyo dahil sa mataas na excise taxes.
Batay sa datos ng mga awtoridad, umaabot sa 30 bilyon pesos ang nalugi sa gobyerno noong 2024 dahil sa illegal tobacco sales.
