dzme1530.ph

IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA, MAS SOLIDO NA

Loading

Naniniwala si Manila Rep. Joel Chua, Chairman ng House Committee on Good Gov’t and Public Accountability, na mas solid ngayon ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

 

Sa paniniwala ni Chua, noon pa mang nagdaang taon sa unang impeachment complaint versus Vice President Duterte, solid na ang ebidensya na nakalap nila.

 

Mas lalo pa umano itong malakas ngayon nang madagdag ang mga sinabi ni Ramil Madriaga, ang umano’y closed aide ni Vice President Duterte.

 

Gayunman, kailangan umanong naka-attach sa alleged wrongdoing ng Pangalawang Pangulo ang affidavit o sinumpaang salaysay ni Madriaga para makita kung may katotohanan ito.

 

Tiniyak din ni Chua na idadaan sa maayos na proseso ng House Committee on Justice ang kaso ni Sara, lalo pa at wala itong one-third signature kagaya ng 2025 impeachment complaint.

About The Author