dzme1530.ph

KAMPO NI VICE PRESIDENT SARA, NILINAW NA ‘DI IHAHARAP SI MARY GRACE PIATTOS SA IMPEACHMENT HEARINGS

Loading

Walang Mary Grace Piattos na ihaharap ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa pagdipensa sa impeachment complaints laban sa kanya.

 

Ito ang nilinaw ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng mga abogado ng Bise Presidente.

 

Tinawag pang inaccurate ni Poa ang mga report na magiging bahagi ng dipensa nila ang taong si Mary Grace Piattos.

 

Umapela rin si Poa sa mga mamamahayag na iwasan ang paglalabas ng mga balita na hindi naman nagmula mismo sa kanila.

 

Una nang lumutang ang impormasyon na handa ang kampo ng Bise Presidente na iharap si Mary Grace Piattos upang tugunan ang mga isyu sa paggamit niya ng confidential fund.

About The Author