dzme1530.ph

CAVITE CONG. KIKO BARZAGA, PINATAWAN NG KARAGDAGANG 60-DAY SUSPENSION

Loading

Pinatawan ng karagdagang 60 araw na suspensyon ng kamara si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.

 

Sa botong 238-10-9, inaprubahan ang rekomendasyon ng House Ethics Panel para ipataw ang dagdag na parusa laban sa kongresista.

 

Ito ay dahil sa patuloy umanong pagpapakita ni Barzaga ng “contempt acts” kahit umiiral ang naunang suspensyon sa kanya noong Dec. 1, 2025 hanggang Jan. 30, 2026.

 

Sinabi ni House Ethics Panel Chairperson JC Abalos na kabilang sa contemptuous acts ni Barzaga ay ang social media posts nito na nag-aakusa sa negosyanteng si Enrique Razon ng panunuhol sa mga miyembro ng National Unity Party.

 

Gayundin ang pahayag nito laban kay yumaong Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop, at marami pang iba.

 

Habang umiiral ang panibagong suspensyon, walang sweldo at wala ring tatanggaping allowance ang mambabatas.

About The Author