dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, HINIKAYAT ANG LAHAT NA MAG-MOVE FORWARD MATAPOS IBASURA ANG IMPEACHMENT COMPLAINTS LABAN SA KANYA

Loading

“Let’s move forward.”

 

Ito ang reaksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ibasura ang impeachment complaints na isinampa laban sa kanya dahil sa pagiging insufficient in substance.

 

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na nagpapasalamat ang Malakanyang dahil nakita ng mga mambabatas na walang merito ang dalawang complaints.

 

Idinagdag ni Castro na maski si Pangulong Marcos ay kumpiyansa na wala itong ginawang impeachable offense.

 

Sa ngayon aniya ay nakatutok ang Pangulo sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

 

Inihayag ng Palace Official na bagaman hindi napanood ni Marcos ang proceedings House Justice Committee dahil may dinaluhan itong event, masaya ang Pangulo dahil nasunod ang proseso at lumabas ang katotohanan.

About The Author