![]()
Pinatanggal ni Tourism Secretary Christina Frasco ang lahat ng Department of Tourism (DOT) materials na nagtataglay ng kanyang mukha o larawan.
Inatasan ni Frasco ang regional offices na ihinto ang pagpo-produce ng kaparehong content, kasunod ng mga batikos na ginagamit niya ang tourism programs na pinondohan ng gobyerno para sa umano’y self-promotion.
Itinanggi rin ng Tourism Chief na naglabas siya ng direktiba para i-display ang kanyang litrato.
Idinagdag ng kalihim na hihilingin ng ahensya sa local government units na huwag gamitin ang kanyang litrato sa tourism-related materials.
Inilarawan ni Frasco ang isyu bilang distraction mula sa mas urgent na national concerns na nakaaapekto sa tourism industry.
