dzme1530.ph

HOUSE COMMITTEE ON JUSTICE, NAG-RECONVENE PARA SA PAGTALAKAY NG SUFFICIENCY IN SUBSTANCE NG IMPEACHMENT COMPLAINTS LABAN KAY PANGULONG MARCOS JR.

Loading

Nag-reconvene na ang House Committee on Justice upang desisyunan kung sufficient in substance ang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Una nang idineklara ng kumite na sufficient in form ang mga reklamong inihain nina Atty. Andre De Jesus at ng mga progresibong grupo.

 

Kahapon ay una nang tinalakay ang reklamong inihain ni De Jesus kung saan ilang miyembro ng panel ang naniniwalang ‘insufficient in substance’ ang impeachment complaint.

 

Ilan sa mga laman ng impeachment complaint ni De Jesus ay ang pagsuko ng gobyerno kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court; 

Ang umano’y drug addiction ni Pangulong Marcos; 

ang kabiguan ng pangulo na i-veto ang unprogrammed appropriations; 

Ang alegasyon na nakinabang ang Pangulo sa flood control mess;  at ang pagbuo ng pangulo ng Independent Commission for Infrastructure upang protektahan ang kanyang mga kaalyado.

About The Author