![]()
Bukod kapaki-pakinabang sa salad ang pipino, masarap din ito kapag hinaluan ng suka.
Pero bukod sa masarap na papakin ay may mga benepisyo din itong dulot sa ating kalusugan.
Una, mabisa itong pampababa ng blood pressure dahil sa taglay na potassium ng pipino at acidity ng suka.
Pangalawa, naibababa rin nito ang blood sugar dahil nakakatulong ang suka sa pagkontrol sa glucose level.
Pangatlo, malaking tulong din ang pipino na may suka na pang-detox dahil nililinis nito ang katawan sa sobrang asin at toxin.
Pang-apat, mababa ang calories sa pipino kaya’t nakakatulong ito sa digestion.
At pang-lima, pampaganda rin sa balat ang pipino dahil may taglay itong antioxidants laban sa wrinkles.
