dzme1530.ph

PANUKALA PARA SA AUTOMATIC FUNDING SA PHILHEALTH, IGINIIT NA ISABATAS NA

Loading

HINILING ni Senador Loren Legarda sa kanyang mga kasamahan na suportahan ang panukala para sa automatic funding sa PhilHealth upang matugunan ang patuloy na kakulangan sa pondo na nagpapahina sa Universal Health Care Act.

 

Iginiit ni Legarda na nawalan ang PhilHealth ng kabuuang ₱113.44 bilyon mula sa sin tax revenues para sa 2023–2026, at karagdagang ₱106.95 bilyon mula sa statutory shares ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) na nananatiling hindi naibibigay. 

 

Binanggit din niya ang kautusan ng Department of Finance (DOF) noong 2024 na ibalik ang ₱60 bilyon mula sa pondo ng PhilHealth sa National Treasury bilang isang malinaw na halimbawa ng mga desisyong nagpahina sa sistemang pangkalusugan.

 

Binalaan ni Legarda na ang ganitong paglihis at pagkaantala ay sumisira sa tiwala ng publiko sa mga institusyong pangkalusugan at humahadlang sa transisyon tungo sa zero-out-of-pocket care.

About The Author