dzme1530.ph

Livestreaming ng ICI hearings, target simulan sa susunod na buwan

Loading

Target ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na matapos ang rules sa pag-livestream ng kanilang proceedings sa susunod na buwan.

Sinabi ni ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka na kailangang handa na ang mga panuntunan bago ang susunod na hearing sa Nobyembre 11.

Inaasahang babalik sa pagdinig ng komisyon sa naturang petsa si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.

Wala pang schedule na itinakda para kay dating Speaker Martin Romualdez, na una nang humiling na ipagpaliban ang kanyang pagdalo bunsod ng medical procedure.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ni ICI Chairperson Justice Andres Reyes Jr. na sisimulan nila ang livestreaming ngayong linggo, subalit binawi rin ito dahil kailangan aniya ng rules at procedures bago ito isagawa.

About The Author