dzme1530.ph

Labi ng Pinoy seafarer na nasawi sa pag-atake ng Houthi rebels, inaasahang darating sa bansa bukas

Loading

Inaasahan na ang pagdating sa bansa ng labi ng Filipino seafarer na nasawi kasunod ng pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, bukas ng gabi ay maiuuwi na ang katawan ng nasawing Pinoy crew member ng Dutch-flagged cargo ship na Minervagracht.

Sinabi ni Cacdac na sinamahan niya ang pamilya ng tripulanteng Pinoy sa Djibouti kung saan binawian ng buhay ang biktima.

Aniya, ang isa pang crew member na nasugatan sa naturang pag-atake ay una nang nakauwi sa bansa noong nakaraang Biyernes.

Kinumpirma rin ng kalihim na sinuspinde niya ang mga lisensya ng manning agency at may-ari ng barko dahil sa kabiguan nilang i-report ang insidente.

About The Author