dzme1530.ph

Mag-asawang Discaya hindi na muling haharap sa pagdinig ng ICI

Loading

Hindi na makikipag-cooperate ang mag-asawang Discaya sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Sinabi ni ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka na nadismaya ang mag-asawang Discaya nang mawalan ito ng pag-asa na maging state witness.

Ito’y matapos ang pahayag ni ICI Commissioner Rogelio Singson na wala siyang nakikitang maaaring irekomenda bilang state witness.

Sa kabila nito, tiniyak ni Hosaka na hindi ito makaaapekto sa bilis ng takbo ng imbestigasyon ng komisyon.

About The Author