dzme1530.ph

Jinkee Pacquiao, excited na sa pagdating ng kanyang unang apo mula sa panganay na si Jimuel

Loading

Hindi maitago ni Jinkee Pacquiao ang kanyang excitement sa pagsilang ng kanyang unang apo, mula sa panganay na anak nila ni Manny na si Jimuel at sa girlfriend nito.

Sa ibinahaging mga litrato ni Jinkee sa Instagram kasama si Jimuel, naging sentimental ito sa pag-alala mula nang ipanganak niya ang kanyang panganay hanggang sa ngayon na magiging lola na siya.

Sinabi ni Jinkee na parang kailan lang ay karga-karga niya si Jimuel, pero sa susunod na buwan ay ang apo na niya ang kanyang kakargahin.

Walang masyadong impormasyon mula sa girlfriend ni Jimuel, maliban sa naka-base sila sa Los Angeles, California, kung saan nagmamay-ari ang mga Pacquiao ng mga property.

About The Author