dzme1530.ph

16 katao, patay sa sunog sa isang garment factory sa Bangladesh

Loading

Hindi bababa sa labing-anim na katao ang nasawi sa sunog sa pabrika ng tela at katabi nitong chemical warehouse sa Bangladesh.

Ayon sa fire service director, labing-anim na katawan ang narekober nila mula sa ikalawa at ikatlong palapag ng garment factory.

Pinangangambahan din na tumaas pa ang bilang ng nasawi habang nagpapatuloy ang recovery operations.

Sumiklab ang sunog sa third floor ng seven-storey factory sa Mirpur area sa kabisera na Dhaka, bago ito kumalat sa chemical warehouse na imbakan ng bleaching powder, plastic, at hydrogen peroxide.

Hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.

About The Author