Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte na siya ang nasa likod ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga, na nanawagan ng pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay VP Sara, nakilala lamang niya si Barzaga noong UniTeam rally sa Cavite noong 2022.
Aniya, ang mga magulang ng kongresista ay hindi UniTeam at “For Sara” lamang, habang si Kiko ay “For UniTeam.”
Binigyang-diin ng bise presidente na hindi niya pakawala si Kiko, na aniya ay isang taong mahirap kontrolin dahil may sarili itong prinsipyo at free will.
Noong Linggo ng gabi ay pinangunahan ni Barzaga ang anti-Marcos rally sa labas ng Forbes Park.