dzme1530.ph

Sen. Pia Cayetano, pag-aaralan kung tatanggapin ang pagiging chairman ng Senate Blue Ribbon Committee

Loading

Nangako si Sen. Pia Cayetano na pag-aaralan niya ang pagtanggap ng pamumuno sa Senate Blue Ribbon Committee matapos magbitiw si Senate President Pro Tempore Ping Lacson.

Ipinaliwanag ni Cayetano na hindi madaling tanggapin ang posisyon dahil mabigat ang trabaho sa Blue Ribbon at dalawa sa tatlong komite na hawak niya ay mabibigat din. Ito ang Committee on Energy at Committee on Ways and Means.

Kung tatanggapin aniya ang pagiging Blue Ribbon Committee Chairman, wala itong duda na kaya nitong gampanan ang trabaho lalo’t hindi naman ito bago sa kanya dahil noong 19th Congress ay isang taon din siyang naging chairman ng komite.

Sinabi pa ng mambabatas na gagamitin niya ang panahon na walang sesyon para pag-isipan at magdasal kung mapanghahawakan niya ang posisyon.

Sakali namang tanggapin ni Cayetano ang committee chairmanship, pag-aaralan naman niya kung kinakailangan pang ituloy ang mga imbestigasyong naumpisahan ng Blue Ribbon Committee, tulad ng sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

About The Author