Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng criminal complaints ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, na parehong contractor, kaugnay ng kabuuang ₱7.1 bilyong tax liabilities.
Inihain ng BIR ang kaso laban sa mag-asawa sa Department of Justice (DOJ), na sinasabing sangkot din sa flood control corruption scandal.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., saklaw ng isinampang kaso ang iba’t ibang imbestigasyon sa unpaid individual income taxes ng mag-asawang Discaya.
Kabilang din sa mga reklamo ang unpaid excise taxes ng kanilang siyam na luxury vehicles, at unpaid documentary stamp taxes kaugnay ng divestment nila mula sa apat na pag-aari nilang construction firms.