Walang natanggap na abiso ang Office of the Vice President (OVP) sa pag-alis kay Col. Raymund Dante Lachica bilang pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Security and Protection Group na naka-assign para magbigay ng seguridad kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ng OVP na nalaman lamang nila na ni-relieve si Lachica sa puwesto matapos matanggap ang kautusan noong Lunes.
Nagpasalamat naman ang OVP kay Lachica sa serbisyo nito at sinaluduhan ang opisyal sa kanyang “resoluteness, professionalism, and integrity.”
Una nang kinumpirma ng AFP na ni-reassign si Lachica pabalik sa Philippine Army matapos kasuhan sa Office of the Ombudsman.