dzme1530.ph

Torre, walang sama ng loob kay PBBM sa pagkaka-relieve

Loading

Walang sama ng loob si dating PNP Chief Nicolas Torre III sa Pangulo sa kabila ng kanyang pagkaka-relieve.

Sa ambush interview ng House media, sinabi ni Torre na nananatili ang suporta niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at wala rin siyang pinagsisisihan.

Aniya, sa higit tatlong dekada nito sa serbisyo, hindi ito ang unang pagkakataon na nakaranas siya ng ganitong sitwasyon.

Gayunman, plano niyang gamitin ang lahat ng kanyang bakasyon upang makapagpahinga at makapag-isip-isip.

Nananatili rin umano itong pulis na may ranggong four-star general.

Hindi naman nito direktang sinagot kung nagkausap na sila ng Pangulo matapos lumabas ang relieved order, at iginiit ang executive privilege.

Tinutulan din niyang kumpirmahin kung may inalok na bagong posisyon sa kanya, at kung tatanggapin niya ito. Mas mabuti umanong hintayin ang opisyal na anunsyo.

About The Author