Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang higit 3,000 pulis mula sa iba’t ibang distrito at provincial offices sa Metro Manila sa ginanap na “Run with the Chief” fun run for a cause sa Pasig City.
Nagsimula ang programa sa Zumba alas-5 ng umaga nitong Linggo, sinundan ng main event na pagtakbo 6:00 AM, kung saan nakilahok si Gen. Torre sa 5-kilometer run, habang ang ibang matataas na opisyal ng PNP ay lumahok sa 3-kilometer run.
Layon ng aktibidad na suportahan ang programa ng Chief PNP para sa kalusugan at pagiging physically fit ng mga pulis.
Inorganisa ito ng Rotary Club of Camp Crame sa pangunguna ni Chief of Directorial Staff Lt. Gen. Edgar Allan Okubo.
Pinasalamatan ni Torre ang lahat ng lumahok at pinaalalahanan ang mga pulis na panatilihing malusog at malakas ang pangangatawan at itaguyod ang isang ligtas at mapayapang komunidad.