dzme1530.ph

Mga proyekto ng Wawao Builders sa Bulacan, ghost projects

Loading

Kinumpirma ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na ghost projects ang mga flood control projects ng Wawao Builders sa Calumpit, Malolos at Hagonoy, Bulacan.

Ayon kay Bonoan, umaabot sa P5.9 bilyon ang halaga ng mga proyekto sa Bulacan 1st Engineering District, bahagi ng P9 bilyong kontrata na naibigay sa Wawao simula 2022 hanggang 2025.

Hindi naman nasagot ng kalihim ang tanong ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III kung sino ang nagpasok ng proyekto sa pambansang budget.

Kinuwestyon din ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta ang kawalan ng master plan para sa flood control projects at ang kakulangan ng koordinasyon ng DPWH at River Basin Control Office, na siyang may mandato na bumuo ng master plan kasama ang NDCC.

About The Author