Welcome sa Commission on Elections (Comelec) ang petition for certiorari and prohibition na inihain sa Supreme Court ni veteran election lawyer Atty. Romulo Macalintal laban sa batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Disyembre 2025 patungong Nobyembre 2026.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, magandang hakbang ang maagang pagsusumite ng petisyon upang agad makapagdesisyon ang Korte Suprema at malaman ng komisyon kung itutuloy ang paghahanda para sa eleksyon sa Disyembre.
Una nang sinabi ni Garcia sa DZME Radyo TV na magpapatuloy ang kanilang preparasyon hangga’t hindi pa nailalathala sa newspapers of general circulation o Official Gazette ang nilagdaang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..