dzme1530.ph

Sawa nahuli sa Villamor Air Base bago ang biyahe ni PBBM patungong India

Loading

Nahuli ang isang ahas sa tapat ng Maharlika Presidential Hangar sa Villamor Air Base sa Pasay City, isang oras bago dumating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang pre-departure address patungong India.

Batay sa mga ulat, agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Air Force upang mahuli ang sawa na pagala-gala malapit sa entrance ng hangar.

Isang PAF personnel ang natuklaw ng sawa, na agad namang dinala sa ospital.

Nakaiskedyul ang biyahe ng Pangulo para sa isang state visit sa India, kung saan inaasahan ang pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng depensa, kalakalan, at teknolohiya.