Direktang tinukoy ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. bilang pangunahing utak sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.
Sa press conference sa Camp Crame, kinumpirma ni Remulla na si Marvin Miranda y Halaman, isang ex-military reservist ang co-mastermind ni Teves,
Inihalintulad ng kalihim sa pelikula ang naging parte ng dalawa sa naganap na krimen, kung saan nagsilbi aniyang ‘’director o casting director’’ si Miranda, habang si Cong. Arnie Teves naman ang executive producer nito.
Sa pagdiditalye ni DILG Sec. Benhur Abalos, Jr. sa relasyon ng dalawa, nabanggit nitong sumusunod si Miranda sa tinatawag nitong “boss idol, big boss o kalbo” na nagbigay aniya ng material support sa pagpaslang kay Degamo.
Si Miranda ay matagal nang naninilbihan sa kongresista bilang security at bodyguard nito.