Nagtapos ng pagsasanay ang unang batch na binubuo ng 18 immigration officers ng Bureau of Immigration (B.I.) sa tamang pakikitungo sa mga biyahero kabilang ang hindi pagsusungit makaraan ang pagdami ngayon ng naglalabasang reklamo sa mga karanasan ng publiko sa paliparan.
Sinabi ni B.I. spokesperson Dana Sandoval na nagdodoble-oras sila ngayon para matiyak na magagawa ng mga tauhan nila ng tama ang kanilang mga trabaho ayon sa panuntunan ng ‘departure formalities’, partikular ang maayos na pakikipag-usap sa mga biyahero.
Sa paglalabasan ngayon sa social media ng mga karanasan ng mga biyahero na sinasabing na-offload, sinabi ng B.I. na nasa 0.06% lamang kada araw ang kabuuang pasahero na na o-offload dahil sa pagiging biktima ng human trafficking, illegal recruitment, o kahina-hinalang mga ‘travel documents’. — sa panulat ni Felix Laban, DZME News