dzme1530.ph

BFAR, tiniyak na ligtas kainin ang tawilis at iba pang mga isda mula sa Taal Lake sa Batangas

Loading

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas kainin ang isdang tawilis mula sa Taal Lake.

Ginawa ng BFAR ang pagtiyak, kasunod ng pagbubunyag ng whistleblower na itinapon sa naturang lawa ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero na dinukot noong 2021.

Ipinaliwanag ng ahensya na walang dapat ipangamba dahil ang tawilis ay maliliit na isda na nananatili sa mababaw na tubig at ang kinakain nila ay planktons, at hindi sila carnivorous.

Nilinaw din ng BFAR na ang iba pang mga isda, gaya ng tilapia at bangus, ay karaniwang inaalagaan sa fish pens, at hindi malayang nakalalangoy sa Taal Lake.

About The Author