dzme1530.ph

House Prosecution Panel, iginiit na misleading at walang katotohanan ang mga pahayag ni VP Sara sa kanyang sagot sa impeachment complaint laban sa kanya

Loading

TINAWAG na misleading at false statements ng House Prosecution Panel ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte sa isinumite niyang answer ad cautelam sa impeachment complaint laban sa kanya.

 

Sa 37-pahinang reply, partikular na tinukoy ng proseuction panel na walang katotohanan ang pahayag ni VP Sara na wala nang hurisdiksyon ang Senador bilang impeachment court as reklamo dahil ibinalik na ito sa Kamara.

 

Sinabi ng prosecution panel na idinefer nila ang pagtanggap sa Articles of Impeachment at sa pagsusumite lamang ng sagot ni VP Sara ay malinaw na hawak pa rin ng Impeachment court ang kaso.

 

Itinanggi rin ng prosecution panel na lumabag sila sa one—year bar rule sa paghahain ng impeachment complaint sa pagsasabing dahil sila ang may kapangyarihang magfile ng reklamo ay mayroon silang presumption of regularity and legality.

 

Samantala, sinabi ni Atty Renato Bantug, Senate Secretary at tumatayong Clerk of Impeachment Court, nasa mga senator judges ang desisyon kung ano pa ang mga susunod na hakbang sa proseso ng impeachment trial.

 

HIndi rin naman anya mapipigilan ang magkabilang panig kung mayroon pa silang mga pleadings na isusumite sa Korte.

 

Kaugnay nito, iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano na sa pagkoconvene muli ng impeachment court, dapat unahing talakayin ay ang isyu sa hurisdiksyon sa reklamo.

 

Ipinaliwanag ng senador na saan mang korte, bago ilatag ang mga ebidensya at pagkasunduan ang anumang mosyon, ang unang tinitingnan ay kung may jurisdiction lalo’t ang impeachment trial ay inaasahang tatawid sa 20th Congress.

 

Nilinaw naman ni Cayetano na sa ngayon ay may hurisdiksyon pa rin ang Senate bilang Impeachment Court sa impeachment complaint laban sa bise presidente kahit pa ibinalik ito sa Kamara.

About The Author