Umingay ang usap-usapan na hiwalay na ang Pop Star na si Katy Perry at aktor na si Orlando Bloom, makalipas ang siyam na taong relasyon.
Bagaman hindi pa opisyal na kinukumpirma ng dalawa ang breakup rumors, nagsimula ang espekulasyon makaraang dumalong mag-isa si Orlando sa kasal ng bilyonaryo na si Jeff Bezos at Lauren Sanchez sa Mallorca, kamakailan.
Kapansin-pansin na wala sa pagtitipon si Katy, at ayon sa mga insider na malapit sa couple, hiwalay na umano ang dalawa.
Naghihintay lamang daw sina Orlando at Katy ng tamang pagkakaton para opisyal na ianunsyo ang kanilang paghihiwalay.