dzme1530.ph

DOJ, planong gumamit ng submersible robots para hanapin ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake

Loading

Hihingin ng mga imbestigador ang tulong ng ibang bansa para sa submersible remote robots upang suyurin ang Taal Lake na sumasakop sa ilang bayan sa Batangas at may lalim na 100 talampakan sa ibang bahagi.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), ito’y matapos ibunyag ng whistleblower na itinapon umano ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero sa naturang lawa.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inatasan na niya ang kanyang staff na gumawa ng draft letter sa Japanese Government para sa hiling nilang remote operating vehicles.

Inihayag din ni Remulla na tila credible o kapani-paniwala ang mga rebelasyon ni alyas “Totoy” at kasalukuyang pinag-aaralan ng pulisya.

Idinagdag ng Kalihim na ang alegasyon ni “Totoy” na mayroong mahigit 100 bangkay ang itinapon sa lawa ng Taal ay isang kaso ng impunity.

About The Author