dzme1530.ph

VP Sara, tikom pa rin ang bibig sa plano niya sa 2028 elections; nangangamba na siya ay patayin

Loading

Nananatiling tahimik si Vice President Sara Duterte tungkol sa kaniyang plano sa politika, partikular sa 2028 elections.

Sa interview sa Pampanga, diretsahang sinabi ni VP Sara na hindi pa niya maisapubliko ang kanyang plano dahil sa posibilidad na siya ay patayin.

Binigyang diin ng bise presidente na naidiin na siya ng kasalukuyang administrasyon, mula sa pagiging target sa mga politikal na pag-atake hanggang sa ma-impeach.

Dahil aniya rito, alam na niya ang susunod na mangyayari, ipapatay na lamang siya para wala nang problema ang administrasyon.

About The Author