dzme1530.ph

Reply ni VP Sara sa Articles of Impeachment, natanggap na ng House prosecution panel

Loading

Kinumpirma ni Batangas Rep. Gerville Luistro, na natanggap na ng House prosecution panel ang reply ni Vice President Sara Duterte sa Articles of Impeachment.

Ayon kay Luistro, isa sa labing isang miyembro ng prosecution team, pinag-aaralan nila itong mabuti at sa loob ng limang araw ay kanila itong sasagutin.

Kahapon ng hapon natanggap ng Kamara ang 35-pahinang “Ad Cautelam” answer ni VP Sara mula sa Fortun, Narvasa & Salazar Law Firm.

Tiniyak naman ni Luistro na lahat sila sa prosecution panel, kasama ang private prosecutors ay pag-aaralan ang bawat alegasyon ng Pangalawang Pangulo sa kanyang reply.

Kabilang sa Ad Cautelam ng bise presidente, ang pagpapa-dismiss ng reklamo dahil sa umano’y paglabag sa Saligang Batas, o paglabag sa ‘one year bar rule.’

Magugunitang apat na impeachment complaint ang naihain sa Kamara kung saan ang unang tatlo ay hindi inaksyunan, samantalang ang pang-apat na may 215 na pirma ng mga kongresista ang naideretso sa Senado.

About The Author