Sinimulan nang ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang unang bugso ng oil price hike ngayong linggo.
Kasunod ito ng limang sunod na linggong taas-presyo sa gasolina, tatlong sunod na linggo sa diesel, at dalawang sunod na linggo sa kerosene.
Ngayong Martes, ay nagdagdag ang oil companies ng ₱1.75 sa kada litro ng gasolina; ₱2.60 sa diesel habang ₱2.40 centavos sa kerosene.
Kaparehong dagdag-presyo rin ang ipatutupad sa Huwebes, para sa ikalawang bugso ng adjustments, matapos pumayag ang mga kumpanya ng langis sa hiling ng Department of Energy (DOE) na utay-utayin ang implementasyon ng big time oil price hike.