PINATITIYAK ni Senador Raffy Tulfo ang maayos at napapanahon na distribusyon ng fuel subsidy sa mga sektor na matinding tatamaan ng malaking pagtaas ng presyo ng langis.
Nakipag-ugnayan na rin ang Senate Committee on Energy sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board para alamin ang kanilang action plans para sa pamamahagi ng ayuda.
Ipagkakaloob ang subsidyasa modernized PUV operators at drivers, traditional jeepney drivers, bus drivers, grab drivers, tricycle drivers at maging sa delivery riders.
Nabatid ng senador na nag isyu na ang DOE ng sertipikasyon para payagan ang LTFRB na ipagkaloob sa mga beneficiaries ang ₱2.5 billion na pondo para sa fuel subsidy program sa transport sector,
Inalam din ni Tulfo kung paano ipamamahagi ang ayuda at nabatid na gagamitin ang pantawid pasada cards o fuel cards, bank-to-bank transfer, pagtransfer sa E-wallet accounts at kung walang ganitong transfer method ang benepisysryo, maaaring ipamahagi at kunin ang fuel subsidy sa mga tutukuyin na Land bank Servicing Branches.
Sinabihan ni Tulfo ang DOTr at LTFRB na tiyakin na may kaukulang guidelines para sa fuel subsidy distribution upang matiyak na mga tunay na PUV drivers/operators/ o delivery riders ang mapagkakalooban.