Matatanggalan ng karapatang sumagot si Vice President Sara Duterte kapag hindi nagsumite ng tugon sa summons na inisyu ng Senate impeachment court, noong mag-convene ito noong june 10.
Ayon ito kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, kasabay ng pagbibigay diin na hindi mapipigilan ng hindi pagsusumite ng sagot ni VP Sara ang proceedings.
Idinagdag ni Carpio na maari namang mag-prisinta ng ebidensya ang Bise Presidente, subalit naiwala na nito ang karapatan na maghain ng sagot.
Ang sampung araw na ibinigay ng impeachment court kay Duterte para tumugon sa summons ay nagtapos noong june 21, subalit dahil tumapat ito ng sabado, maaring isumite ng kampo ng Bise Presidente ang kanyang sagot hanggang ngayong lunes.
Una nang inihayag ni Senate impeachment court Spokesperson, Atty. Regie Tongol na magpapatuloy ang impeachment proceedings, kahit hindi tumalima si VP Sara sa writ of summons.