dzme1530.ph

PBBM, ibinida ang mabilis na paglago ng ekonomiya at mababang inflation sa pamamagitan ng Independence Day toast

Loading

Nagtaas ng kopita para sa isang toast si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ipagdiwang ang 5.4% growth ng Pilipinas sa unang quarter ng taon.

Gayundin ang 1.3% inflation noong Mayo, at iba pang mga natamo ng bansa, kaya tinawag niya ang Pilipinas na “economic standout” sa rehiyon.

Sa taunang Independence Day Vin d’Honneur sa Malakanyang, ibinida ni Pangulong Marcos sa diplomatic corps ang pag-alis ng Pilipinas sa grey list ng financial action task force, pati na ang mga pinagtibay na batas na magsusulong pa ng kaunlaran sa bansa.

Kumpiyansa ang Pangulo na maaabot ang 6% gross domestic product (GDP) growth target sa mga susunod na quarter, dahil sa steady fiscal consolidation, paghupa ng inflation, at pagbuti ng trade negotiations sa key partners.

About The Author