dzme1530.ph

Paghahain ng mosyon sa impeachment proceedings, hindi trabaho ng Senator-judge

Loading

Pinuna ni dating Senate President at Senator-elect Vicente “Tito” Sotto III ang naging desisyon ng Senado bilang impeachment court na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment.

Binigyang-diin ni Sotto na hindi maaaring maghain ng isang mosyon ang isang senador na siya ring kasamang hukom sa paglilitis.

Trabaho anya ng defense o prosecution panel ang paghahain ng mga mosyon.

Batay aniya sa turo sa kanya ni dating Sen. Miriam Defensor Santiago, na dati ring Regional Trial Court judge, ang tanging papel ng mga senador bilang hukom ay magtanong para sa paglilinaw, at hindi dapat gampanan ang tungkulin bilang litigant.

Idinagdag pa ni Sotto na bagaman posibleng maisaayos ito sa 20th Congress, ito ay isang pagkakamaling dapat nang itapon sa basurahan ng kasaysayan.

Pinayuhan din niya ang mga kasalukuyang senator-judges na muling repasuhin ang kanilang tungkulin bilang mga huwes, at palitan ang mga legal adviser na aniya’y hindi nagbibigay ng tamang payo.

About The Author