Labis na ikinababahala ng Philippine Embasy sa London ang tungkol sa racist riots sa Northern Ireland, kung saan tinatarget ang mga Pilipino.
Bunsod nito, hinimok ang lahat ng mga Pinoy sa Ballymena at mga kalapit na lugar na maging alisto, sumunod sa guidance ng local authorities, at kumontak sa Embassy para sa anumang urgent assistance.
Sumiklab umano ang mga riot, kasunod ng umano’y sexual assault sa isang batang babae ng dalawang romanian teenagers.
Dalawang pamilyang Pilipino na nakatira sa isang bahay ang napilitang lumikas sa kalagitnaan ng gabi nang isang grupo ng mga nakamaskarang lalaki ang umano’y kinalabog ang kanilang pintuan at tinakot sila.