dzme1530.ph

Babaeng OFW hinarang ng Bureau of Immigration sa NAIA galing Thailand

Loading

Hinarang ng Bureau of Immigration ang isang babaeng OFW pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula Bangkok, Thailand.

Ito’y matapos makita sa kanilang system na may standing warrant ang naturang pasahero.

Agad nakipag-ugnayan ang Immigration sa PNP Aviation Security Group at MPD para ipatupad ang pagsisilbi ng warrant of arrest.

Ang pag-aresto sa OFW base sa arrest warrant na inisyu ng Parañaque RTC noong 2021 dahil sa kasong falsification of public documents.

Nagtakda naman ang Korte ng ₱36,000 bilang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng naturang OFW.

About The Author