Sumadsad ang isang Chinese fishing vessel, ilang kilometro lamang ang layo mula sa Pag-asa Island na bahagi ng Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.
Ayon sa Kalayaan Island Group LGU, sumadsad ang barko habang low tide noong Sabado, subalit kalaunan ay hinatak ng dalawa pang Chinese fishing vessels, sa kapareho ring araw.
Isang residente naman ang nag-upload ng mga litrato sa social media, at nagpahayag ng pagdududa kung aksidente nga ba o sadyang sinadsad sa lugar ang barko.
Rumesponde naman ang mga awtoridad sa pamamagitan ng pagde-deploy ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.