Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang plano na bawasan pa ang maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas ng dalawang piso kada kilo simula sa susunod na buwan.
Kasunod ito ng pagbagsak ng presyo ng produkto sa pandaigdigang merkado.
Target ng DA na ibaba pa sa ₱43 per kilo ang MSRP sa imported na bigas simula sa July 1, mula sa kasalukuyang ₱45 na ipinatupad noong March 31.
Sa pinakahuling price monitoring ng ahensya, as of June 4, ang presyo ng imported commercial rice sa Metro Manila ay naglalaro sa ₱39.83 hanggang ₱58.65 per kilo, depende sa klase.